๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐—™๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐—–๐—˜ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—ฅ๐—ข๐—˜๐—— ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—š๐—”๐—ก, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—”

Natanggap na ng mga benepisyaryo ng Isabela Recovery Initiatives to Support Enterprises (I-RISE) at scholars of Bojie-Rodito Opportunities for Education (BRO-Ed) sa Lungsod ng Ilagan ang kanilang mga financial assistance, kahapon, September 7.

Kabuoang P4,019,500 ang naipamahgi ng I-RISE Livelihood Assistance sa mga informal sectors na mayroong maliliit na negosyo habang mayroon naming tatlong kooperatiba ng mga magsasaka ang nabigyan ng P1,300,000 na I-RISE loan.

Kaugnay nito, nasa 4,704 BRO-Ed scholars naman sa Lungsod ng Ilagan ang nakatanggap ng educational allowance at rice assistance na nagkakahalaga naman ng P14,676,000 para sa unang semester ng Academic Year 2022-2023.

Pinangakuan naman ni Governor Rodito T. Albano III ang mga BRO-Ed scholars na mag-aral ng mabuti sapagkat tutulungan sila ng Provincial Government ng Isabela hanggang sa kanilang post-graduate studies.

Ngayong araw ay nakatakda ring makatanggap ng educational assistance ang bayan ng Alicia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *