𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗧-𝗔𝗡𝗗-𝗥𝗨𝗡 𝗩𝗜𝗖𝗧𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗟𝗟𝗔𝗪𝗜𝗧, 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢

Nagpahayag ng pasasalamat sa publiko ang pamilya ng biktima ng Hit-and-Run sa Sillawit, Cauayan City, Isabela matapos matunton ang Toyota Fortuner na nakabangga sa kanilang kaanak.

Sa eksklusibong panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa pinsan ng biktima na si Maureen Mariano, nagpapasalamat aniya siya sa lahat ng concern citizens na nagbigay ng lead para mahanap ang sasakyan.

Halo-halong emosyon din aniya ang kanilang nararamdaman sa pagsuko ng suspek sa kapulisan.

Umapela rin si Maureen na hayaan muna silang magluksa sa ngayon, at hindi naman madali aniya ang kanilang pinagdaraanan.

Kaugnay nito, undecided pa rin ang pamilya kung itutuloy ba ang kaso laban sa suspek na hindi na pinangalanan pa.

Sa ngayon, ang hiling muna ng pamilya ay ang makapagluksa ng pribado at magpapatuloy naman ang kanilang pakikibaka tungo sa hustisya pagkatapos ng libing ni Sandara Bareng.

Nakatakdang ihatid sa huling hantungan sa August 19 ang katawan ni Sandara.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *