Aabot sa kabuuang P3.73 million na halaga ng assistance mula sa Department of Agriculture Regional Field Office 2 ang naipamahagi sa mga naapeketuhang magsasaka sa nagdaang bagyong Egay.
Naganap ang distribusyon sa isinagawang Ceremonial Awarding and Distribution of Assistance sa Municipal Hall, Libertad, Abulug, Cagayan kahapon, August 30.
Ipinamahagi ng DA RFO 2 sa LGU Abulug ang 1,000 bags ng inbred rice na nagkakahalaga ng P760,000,000; 496 GM Yellow hybrid na palay na may halagang P2,380,800; 50 packs na 10-1 vegetable seeds, P42,400; 100 heads duck na aabot sa P60,000,000; at P30,000,000 na 50 heads chicken.
Ang nasabing assistance ay galing sa pondo ng 2023 GAA and Quick Response Fund of Rice, Corn, HVCDP and Livestock Programs.
Mabibigyan din anila ang ibang munisipalidad base sa kanilang reported na pinsala habang nasa Dry Season Planting.
Kaugnay nito, nagsumite na rin ang ahensiya sa DA Central Office ng rehabilitation and recovery proposal para sa pondo ng pagdaragdag ng seed reserve at ng existing resources ng kanilang tanggapan.
Kung matatandaan, nasa 26 na munisipalidad ang naapektuhan ng bagyong Egay sa lalawigan ng Cagayan.