Nakatanggap ng tig-150,000 pesos ang sampung benepisyaryo ng Youth Scholarship Program on Organic Agriculture Production mula sa Department of Agriculture sa isinagawang recognition sa 6th Regional Organic Agriculture Congress kahapon, October 11.
Ang naturang scholarship ay isang highly specialized internship program na idinesenyo upang maka-develop at makahasa ng mga trainees na may pagmamahal sa organic agriculture na siyang ia-adopt naman ng mga benepisyaryo upang kanilang maging hanap-buhay.
Bukod sa P150,000 na natanggap nila na siyang kanilang gagamitin para sa kanilang organic project ay makakatanggap din sila ng P12,000 kada buwan habang ang kanilang proyekto ay kanilang isinasagawa.
Ayon naman kay Director Imelda Guillermo, ang Center Director ng ATI-RTC 02, sa mga nais mag-apply sa naturang programa ay maaari silang magpasa ng kanilang letter of intent sa kanilang tanggapan.
Kabilang naman sa mga benepisyaryo ay sina Warrem Dinamling, Angelo Naranjo, Mark Davidson Respicio, Juniel Delos Santos, Daniel Salazar, Dymelyn Pansoy, Lyka Kim Kiray, Karl Cedrick Paranes, Francis Maluyo na mula sa iba’t ibang bahagi ng Rehiyon Dos.