Sa bisa ng resolution no. 2023-132 na pinirmahan ng lahat ng mga Sanguniang bayan member, kumpirmado na ang pagsasailalim sa State of Calamity ang bayan ng Sanchez Mira Cagayan.
Ang deklarasiyon ay batay sa rekomendasiyon ng Local DRRM Council (LDRRMC) dahil sa malaking pinsala na iniwan ng Bagyong โEgayโ sa nasabing bayan.
Dahil dito, ilan sa mga suportang ibibigay ng mga kinauukulan sa mga apektadong residente, ay pautang na walang interest gayundin ang pagpapatupad ng price freeze o pagpigil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa nasabing lugar.
Sa monitoring ng MDRRMO-Sanchez Mira, nasa 137 na pamilya na binubuo ng 423 na indibidwal ang lumikas sa kasagsagan ng bagyo at pansamantalang nanirahan sa mga evacuation center habang ang ilan ay nakitira sa kanilang mga kaanak.
Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang assessment ng LDRRMC sa kabuuang halaga ng mga nasirang ari-arian sa lugar na iniwan ng bagyong โEgayโ