Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development Region 2 na sapat ang suplay ng relief goods sakaling kailanganin ng mga posibleng maapektuhan ng bagyong Jenny.
Batay sa datos ng DSWD Region 2, kabuoang P152, 708, 300.94 ang kabuoang naka-preposition ng relief goods para sa Lambak ng Cagayan.
Mula sa naturang datos, 62, 167 ang bilang ng family food packs habang 9, 018 naman ang non-food items.
Kaugnay dito, kabilang sa mga non-food items ang family kits, sleeping kits, hygiene kits, kitchen kits at iba pa.
Ang nasabing mga suplay ay nakahanda na para sa augmentation sa mga Local Government Unit o mga residenteng nangangailan ng tulong sa oras ng kalamidad.