𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Isinailalim na sa state of Calamity ang parehong probinsya ng Ilocos Norte at Sur dahil sa malawak na pinsalang idinulot ng Super Typhoon Egay.

Unang nag-anunsyo ang Provincial Government ng Ilocos Norte na isinailalim sa state of calamity ang lugar dahil maraming ari-arian at palayan ang nasira bunsod ng pananalasa ng bagyo.

Tiniyak din ng pamahalaan na ginagamit nila aniya ang lahat para maayos ang mga essential services, at matugunan ang mga pangangailangan ng mga residenteng apektado ng bagyo.

Matapos naman irekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Ilocos Sur ang pagsasailalim sa lalawigan ng state of calamity ay tuluyan na itong idineklara ni Gov. Jerry Singson.

Samantala, batay sa huling datos ng DOST-PAG-ASA, nakataas pa rin ang lalawigan sa Orange Warning Level kung saan pinag-iingat pa rin ang lahat sa matinding pagbaha at panganib ng landslide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *