๐—ฆ๐—จ๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ช ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—›๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—”๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ก๐—”๐—ž๐—ฆ๐—”๐—ž; ๐—œ๐—ฆ๐—”-๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ฌ ๐—›๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—จ๐—š๐—”๐—ง๐—”๐—ก

Patay ang babae at sugatan ang kaniyang asawa nang pagsasaksakin ng lalaking nanloob ng isang bahay sa Barangay Sta. Barbara, Piat, Cagayan.

Kinilala ang biktimang nasawi na si Maricon Reyes, 34 anyos habang nasa hospital naman ang mister nitong si Anthony Reyes, 41 โ€“anyos.

Kinilala naman ang suspek na si Darwin Tumbali na residente rin ng naturang lugar.

Sa isang pahayag kay PCPL Jun-Jun Noveno ang Asst. Investigator ng Piat Police Station, nagtungo umano sa outing ang nagmamay-ari ng bahay na kapatid ni Maricon at siya muna ang nagbantay dito.

Nakarinig umano si Maricon ng ingay sa loob ng nasabing bahay dahilan upang puntahan niya ito kung saan bumungad sa kaniya ang suspek na nagnanakaw.

Sa puntong iyon, nagulat umano ang suspek na siyaโ€™y nabisto dahilan upang pagsasaksakin nito si Maricon ng pitong beses at naunahan rin nito ng saksak sa tagiliran si Anthony na nooโ€™y sasaklolo sana sa kaniyang asawa.

Ayon ka PCPL Noveno, mayroong mga nakasaksi sa insidente na ilang concerned citizen na siyang tumulong na idala sa pagamutan ang mag-asawa kasama ng Quick Response Team ng Piat, subalit binawian na ng buhay si Maricon.

Kinumpirma naman ni Anthony at ng mga residenteng nakasaksi na si Darwin ang gumawa ng krimen.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na mabilisang napasok ng suspek ang bahay dahil sa sirang door knob.

Napag-alaman din na hindi nakainom ng alak ang suspek at posibleng dahil sa gulat at takot niyang mahuli kaya nagawa ang pananaksak.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa patung-patong na kasong Robbery with Homicide at Physical Injury.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *