π—§π—”π— π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—•π—”π—•π—”π—¬π—”π—— π—‘π—š π—›π—’π—Ÿπ—œπ——π—”π—¬ 𝗣𝗔𝗬 π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š π—•π—˜π—₯ 𝗠𝗒𝗑𝗧𝗛𝗦, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—” π—‘π—š π——π—’π—Ÿπ—˜

Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment Regional Office 2 sa mga employer na bayaran ng tama ang holiday pay at 13th month pay ng kanilang mga manggagawa.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DOLE Regional Director Jesus Elpidio Atal Jr., sa regular holiday ay entitled ang mga manggagawa na mabayaran ang kanilang sahod kahit na hindi pumasok ang mga ito.

Habang 30% na dagdag sahod ang dapat na matanggap ng mga manggagawa para sa kanilang special holiday.

Hinikayat naman ng opisyal ang mga job seekers na makilahok sa isasagawang Job fair sa Disyembre alinsunod sa pagdiriwang ng ika-90 na anibersaryo ng DOLE.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *