𝗧𝗜𝗡𝗗𝗘𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗨𝗜𝗡𝗜, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗜𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝟯𝟵𝟬𝗞 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗨𝗦𝗧𝗢𝗠𝗘𝗥

Nagpamalas ng katapatan ang isang tindera sa Tumauini, Isabela matapos nitong isauli ang Php390, 100.00 na halaga na naiwan ng kaniyang kostumer.

Kinilala ang ginang na si Jennifer Batino Diaz, 41-anyos, residente ng Lalauanan, Tumauini, Isabela kung saan ang kanyang canteen naman ay matatagpuan sa National Highway Brgy. Lalauanan, Tumauini, Isabela.

Natagpuan din sa bag pack na may lamang pera ang wallet na may National ID na nakapangalan kay Jeffrey Harada ng Pamplona, Cagayan.

Kaugnay nito, pinuri ni PRO2 Regional Director PBGEN Christopher Birung si Diaz sa ipinakitang katapatan, at malasakit sa kapwa, maging ang pagtitiwala nito sa kapulisan.

Ang naturang pera ay naipasakamay na sa himpilan ng Tumauini Police Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *