๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—”๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฃ๐—˜๐—ž๐—ง๐—”๐——๐—ข ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐——๐—ข๐—Ÿ, ๐—ง๐—œ๐—ก๐—œ๐—ฌ๐—”๐—ž ๐—ก๐—š ๐——๐—ฆ๐—ช๐—— ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 na nakahanda ito sa pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang apektado ng lindol sa Calayan, Cagayan.

Sa inilabas na datos ng kagawaran, mayroong 50,227 na Family Food Packs ang nakahanda na nagkakahalaga naman ng P31,042,186; nasa P34,884,730 naman ang halaga ng mga non-food items.

Aabot sa higit P4-Million ang naka-stand by na pondo ng DSWD na siyang maaaring gamitin sa pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong pamilya.

Kaunay nito, nakipag-ugnayan na rin ang ahensiya sa pangunguna ni Regional Director Lucia Alan sa alkalde ng Calayan upang kumustahin ang sitwasyon ng nasabing lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *