𝗪𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗬𝗨𝗠𝗘𝗥, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚-𝗗𝗜𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗧𝗜

Binigyang-diin ng Department of Trade and Industry Isabela ang walong pangunahing karapatan ng mga mamimili kaugnay sa isasagawang World Consumer Rights Day sa March 15, 2023.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Trade and Industry Development Specialist Mark Jayson Andes, ipinunto nito na kailangang tratuhin ng maayos ang mga mamimili.

Aniya, kabilang sa walong karapatan ng mga mamimili ay ang Right to Basic Needs, Safety, Information, right to choose, representation, redress, consumer education at healthy environment.

Dagdag pa nito, upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamimili ay sinusuri ng DTI ang pagsunod ng bawat establishimento sa mandatory certification ng kanilang mga produkto.

Patuloy namang hinikayat ng DTI Isabela ang publiko na suportahan ang kanilang mga aktibidad sa World Consumer Rights Day na maaaring makita sa kanilang facebook official page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *