𝟭𝟭 𝗩𝗜𝗢𝗟𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗤𝗨𝗢𝗥 𝗕𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

Umabot sa 11 katao ang nahuli ng Isabela PNP na lumabag sa Liquor Ban Policy sa lalawigan ng Isabela sa kasagsagan ng Bagyong Egay.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Police Captain Scarlet Topinio, ang Public Information Officer ng PNP Isabela, inihayag nito ang pagkadismaya sa mga violators.

Napaka-simpleng ordinansa na nga lang aniya ang ipinatupad ay marami pa ring indibidwal ang hindi marunong sumunod.

Ang mga lumabag ay galing aniya sa bayan ng Angadanan, Cabagan at sa Lungsod ng Cauayan.

Kung matatandaan nga ay nag-abiso ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela noong Lunes, July 24, na ipapatupad ang Liquor ban alinsunod sa Ordinance No. 2020-13-1 kaugnay pa rin ng Bagyong Egay.

Samantala, maayos din naman aniya ang overall assessment ng Isabela Provincial Police Office sa kanilang naging pagtugon sa nagdaang bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *