Nakatanggap ang 35 micro-entrepreneurs sa Reina Mercedes, Isabela ng tulong pangkabuhayan mula DOLE- Isabela Field Office.
Ayon sa kagawaran, ang naipamahaging starter kits ay mayroong kabuoang halaga na P700, 000.
Inaasahang makatutulong ang tulong pangkabuhayan ng mga maliliit na negosyante sa pagtaas ng ekonomiya ng naturang bayan.
Ipinaliwanag naman ni Mayor Atty. Ma. Lourdes Respicio-Sugaban na hindi napabilang sa mga benepisaryo ang mga indigent na residente sa lugar dahil prayoridad aniya sila ng DSWD at Development’s Sustainable Livelihood Program.
Tiniyak ng lokal na pamahalaan ang pagmonitor sa mga nabigyan ng pangkabuhayan upang matulungan na mapalago ang mga ito.
Kabilang sa natanggap ng mga benepisaryo ang commissary operations, frozen food vending, snack vending, at catering services.