₱200k pabuya ibibigay sa makakapagturo sa suspek sa pagpatay sa isang Kapitana sa Camarines Sur

NAGA CITY- P200K ang inilaang pabuya para sa makakapagturo sa suspek o mga suspek sa pagpatay sa isang Kapitana sa Tinambac, Camarines Sur.

Ito ang inanunsyo ni Camarines Sur 4th District Representative Arnie Fuentebella. Aniya masakit sa kaniyang loob ang pagkawala ng isa sa mga nagsisilbi sa publiko dahil sa pamamaril.

Mababatid na binaril-patay si San Roque Punong Barangay, Shirley Balonzo habang nasa labas ng kanilang bahay noong Mayo 16, 2023.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PMAJ Michael Fortunado, Hepe ng Tinambac PNP, nagpapatuloy ang kanilang hot pursuit operation sa ‘di pa pinangalanang suspek. Matagal na aniya ang hindi pagkakaintindihan nang magkabilang panig, katunayan umabot na sa korte dahil sa una pang insidente ng pamamaril sa anak ng kapitana.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *