Local News

₱252M shabu, nasamsam mula sa online sellers couple sa Cavite

Umaabot sa halos ₱252 million na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa dalawang online seller sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Buhay na Tubig, Imus, Cavite.

Kinilala ang magpartner na mga suspek na sina Datu Ali Dayo Sampulna, 38 anyos, at Almira Karao Sampulna, 30, pawang mga residente ng Park Laurena, Poblacion 7, Cotabato City.

Sila ay kabilang sa listahan ng mga High Value Individuals o mga “big time pushers”.

Ang dalawa umano ay mayroong RTW business na ginagawa lamang front sa kanilang illegal drug operations.

Sa isinagawang buy-bust operation ay nakumpiska mula sa mga suspek ang 1 kilo ng shabu na tinatayang nasa ₱6.8 million ang halaga.

Nakuha rin mula sa kanila ang nasa 36 kilogramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱244,800,000.00.

Ang operasyon ay isinagawa ng PNP Drug Enforcement Group, Special Operations Unit (PDEG, SOU) 4B, PDEG 4A, Imus City Police Station, Regional Drug Enforcement Unit 4A, at PDEA 4A.

Ayon kay CALABARZON Regional director PBGEN Jose Melencio Nartatez Jr., ang mga naarestong big time pushers ay nag-ooperate sa Cavite at National Capital Region.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

BNFM Batangas

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago