Local News

₱5.2M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Amadeo, Cavite

Umaabot sa mahigit 5 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang narekober ng mga awtoridad sa ikinasang buy bust operation sa Brgy. Dagatan, Amadeo, Cavite.

Kinilala ng Amadeo Municipal Police Station ang suspek na si Jojo Zaut na itinuturing na big time drug peddler.

Ayon sa imbestigasyon, aktong nahuli ang suspek na nagtutulak ng iligal na droga matapos na pagbentahan ng pinaniniwalaang shabu ang isang pulis na nagkunwaring buyer.   

Narekober mula sa suspek ang 765 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱5,202,000.00.

Nakuha rin mula sa suspek ang box kung saan niya itinago ang isang malaking sachet ng droga, cellphone, bag at buy bust money.

Nasa kustodiya na ng naturang himpilan ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

BNFM Batangas

Recent Posts

MRT-3 at LRT-2, may handog na libreng sakay para sa workers ngayong Labor Day

May libreng sakay ang Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3)  at Light Rail Transit Line 2…

60 mins ago

Mobile shower trucks, umikot sa Valenzuela City para makatulong sa tindi ng init

Naglibot ang dalawang mobile shower trucks sa lungsod ng Valenzuela para makatulong sa mga residente…

1 hour ago

Ex-partner ni Dennis Padilla, itinangging may co-parenting setup sila ng aktor

May bago na namang kinasasangkutan ang aktor at comedian na si Dennis Padilla. Ito'y matapos…

1 hour ago

Efren Reyes Cup, ilulunsad sa Oktubre

Ilulunsad ngayong Oktubre ang isang panibagong billiard tournament na pinangalanan sa Philippine billiard icon na…

1 hour ago

Isang immigrant mula Laos, nanalo ng $1.3 billion sa Oregon Lottery

Nanalo ang isang immigrant sa Oregon, USA ng $1.3 billion sa Powerball jackpot ng Oregon…

1 hour ago

Lalaki nga giingung tagoanan og armas sa mga gun for hire, nadakpan

Nadakpan sa sakop sa Mambaling Police Station pinanguluhan ni Police Major John Lynbert Yango ang…

7 hours ago