CAMARINES SUR- Aabot sa ₱600K cash ang natangay ng mga holdaper sa ahente ng sigarilyo sa Camarines Sur.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMAJ. Elizalde Calingacion, hepe ng Canaman PNP sinabi nitong nangyari ang insidente pasado ala-una ng hapon sa Barangay Poro, malayong barangay na sa nasabing bayan.
Umihi sandali ang dalawang sales representative na sina Russel Dominguez , 31-anyos ng Pili, Camarines Sur at Teofilo Urbano Jr, 49- anyos ng Naga City.
Lumapit ang hindi pa nakikilalang dalawang suspek na armado ng kutsilyo at baril sabay deklarang hold-up.
Nakuha ang sales na ₱600K, cellphone, pati dash cam.
Dagdag ni Calingacion, napag-alaman nila na may polisiya ang kompanya na ₱100K pa lamang dapat ay mag reremit na ng sales. Hindi matukoy ng mga biktima kung ano ang gamit na sasakyan ng mga suspek. Walang nakuhang CCTV footages ang PNP dahil limitado ang bahay , puro palayan.
Hindi inaalis ng PNP ang posibilidad na matagal na pinagplanohan ng mga suspek dahil regular sa lugar ang mga biktima, pero sabi pa ng hepe hindi rin inaalis ang posiblidad na insidente ito ng “hold-up me”.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Canaman PNP.