₱75-₱85 SRP sa asukal, isinusulong ng mga sugar producers

Nais ng mga sugar producers sa bansa na magpatupad ng mas mababang suggested retail price o SRP sa refined sugar.

Ayon kay Manuel Lamata, presidente ng United Sugar Producers Federation (UNIFED), nararapat na ipatupad ang SRP na 75-85 pesos na presyo sa kada kilo ng refined sugar sa mga merkado.

Ginawa ni Lamata ang pahayag matapos mapag-alamang umaabot na sa 134 pesos ang kada kilo ng asukal sa supermarkets habang umaabot naman sa 106 pesos ang kada kilo nito sa wet markets.

Ito anya ang kanilang isasangguni sa nakataksang meeting kasama ang Department of Agriculture (DA) at Sugar Regulatory Administration (SRA).

Una rito ay sinabi ng DA na target nilang maglabas ng SRP sa asukal sa buwan ng Nobyembre.

Ito ay matapos ang ginawang konsultasyon sa SRA sa pagpapatupad ng SRP sa asukal.

Giit nito, kailangang unti-unti nang bumaba ang presyo ng asukal dahil sa inaasahang pagdating ng mga inangkat na suplay at pagdami ng mga gawang lokal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *