Distribusyon sa mga satellite office sa mahigit 16, 000 na family food packs, natapos na – DSWD Region 2

Natapos na ang distribusyon ng Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 2 sa 16,945 na family food packs sa mga satellite office ng tanggapan para sa mga naapektuhan ng bagyong Bising.

Sa nakuhang impormasyon ng 92. 9 Brigada News FM Cauayan, bukod sa naturang food packs ay mayroon na ring 11,674 na non-food items ang nakahanda nang ipamahagi kung saan nasa mahigit 22 milyon ang inilaang pondo para rito.

Ayon kay Disaster Response and Management Division Chief Marciano Dameg, itinalaga na sa 24 oras na duty ang mga kasapi ng kanilang dibisyon katuwang ang Social Welfare and Development Teams (SWADTs) at Provincial/City/Municipal Action Teams upang patuloy na subaybayan ang lagay ng panahon sa bawat munisipalidad sa rehiyon dos.

Sa kasalukuyan ay mayroong 110 na pamilya mula Maconacon at Divilacan Isabela ang nasa pitong evacuation center ang kabilang na sa mabibigyan ng naturang food packs at non-food items.

Samantala, sa isang pack ay may laman itong 6 na kilos ng bigas, 8 canned foods at anim na sachet ng kape o cereal para sa dalawang araw na pagkain ng isang pamilya.

Image: DSWD Region 2

17172 SharesLikeCommentShare

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *