𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗜 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗛𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗡𝗢𝗥-𝗗𝗘-𝗘𝗗𝗔𝗗, 𝗞𝗨𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗡𝗣

Kusang sumuko sa Lal-lo Police Station ang pareng nanghalay umano sa isang menor-de-edad sa Solana, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cagayan PIO, kinilala ang suspek na si Father Karole Reward Israel.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Cagayan Provincial Jail si Father Israel matapos umanong idala ng PNP-Lal-lo kung saan siya sumuko noong March 2, 2023.

Matatandaan na patung-patong na kasong acts of lasciviousness, voyeurism at rape ang isinampa sa naturang pari at un ana itong nadakip noong nakaraang taon matapos ang isinagawang rescue operation ng NBI dahilan upang maligtas ang biktima nitong dalagita.

Pansamantalang nakalaya lamang ito noon matapos makagpalagak ng piyansang P183,000.

Sa ngayon ay walang idineklarang piyansa sa pansamantalang kalayaan ni Father Israel.    

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *