𝗟𝗢𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗞𝗜 𝗥𝗜𝗧𝗨𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜

Nasawi ang isang senior citizen na manggagamot matapos umanong pinagpapalo ng kaniyang gagamutin sa Sitio Pappalang, Brgy. Camandag, Ambaguio, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, una rito ay kinilala ang biktima na si Blacio, 72-anyos habang ang suspek naman ay kinilalang si Jonas, 36-anyos.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na inimbitahan umano ni Jonas si Blacio sa kanilang bahay upang gamutin ang sakit nito sa pamamagitan ng Baki Ritual.

Habang isinasagawa umano ni Blacio ang ritual ay nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo ni Jonas.

Dahil dito ay pinagpapalo umano ni Jonas si Blacio gamit ang isang kahoy at pagkatapos ay tumakas na ito patungong Sitio Cablahan, Ammoweg.

Nagawa pang idala sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara ding dead on arrival ng kaniyang attending physician.

Sa ngayon ay nasa nearesto na ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng Ambaguio Police Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *