𝗣𝗔𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗙𝗢𝟮

Pinasinayaan ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) ang PAMANA PROJECT sa Barangay Cabatacan West, Lasam, Cagayan kamakailan.

Layunin ng naturang proyekto na mabigyan ng isang barangay access road ang naturang komyunidad.

Nasa kabuoang P604, 600 ang magagamit na pondo sa konstruksiyon ng kalsada.

Kaugnay nito, ang KALAHI-CIDSS PAMANA ay nasa ilalim ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) kung saan ito ang nagsisilbing balangkas ng gobyerno para matamasa ng bansa ang kapayapaan at pag-unlad.

Inilulunsad ito sa mga conflict-affected communities at maging sa mga komyunidad na may mga umiiral na kasunduang pangkapayapaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *