π—¦π—¨π—£π—˜π—₯ 𝗧𝗬𝗣𝗛𝗒𝗒𝗑 𝗠𝗔π—ͺ𝗔π—₯, π—•π—”π—›π—”π—šπ—¬π—”π—‘π—š π—Ÿπ—¨π— π—”π—žπ—”π—¦ 𝗣𝗔 π—›π—”π—•π—”π—‘π—š π—žπ—¨π— π—œπ—žπ—œπ—Ÿπ—’π—¦ π—ͺπ—˜π—¦π—§π—ͺ𝗔π—₯𝗗 π—‘π—š π—£π—›π—œπ—Ÿπ—œπ—£π—£π—œπ—‘π—˜ π—¦π—˜π—”

Bahagyang lumakas ang super typhoon Mawar habang kumikilos pakanluran ng karagatang sakop ng Pilipinas sa bilis na 20 km/h. Base sa DOST PAGASA, huling namataan ang sentro ng super typhoon Mawar sa layong 1,705 km east ng southern Luzon kung saan taglay nito ang lakas ng hangin na 215 km/h malapit sa sentro at pagbugso na 260 km/h.

Ayon sa forecast ng PAGASA, inaasahang papasok ang super typhoon Mawar sa Philippine Area of Responsibility mamayang gabi o bukas ng umaga.

Maaring magdala ng malakas nap ag-ulan ang nasabing bagyo ngunit asahan ang paghina nito sa araw ng linggo at Lunes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *