𝟒 na barangay sa City of Ilagan, isinailalim sa lockdown

Isinailalim sa tatlong araw na localized lockdown ang apat na barangay sa City of Ilagan kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Batay sa inilabas na executive order number 28 ni Mayor Jose Marie Diaz, kabilang sa apektadong mga barangay ang Alibagu na mayroong 14 cases, Bliss Village na nakapagtala ng 4 na kaso, San Lorenzo na may 3 at ang Sindon Bayabo na may 4 cases.Epektibo ang lockdown kaninang alas-12 ng tanghali ngayong araw, May 25 at magtatapos sa 12 midnight ng May 28, 2021.

Inaasahan namang ang pagpapatupad ng lockdown sa mga nabanggit na lugar ay maisasagawa ang containment strategy at preventive measures ng LGU upang maiwasan ang transmission at pagkakatala ng karagdagang impeksyon.

Kaugnay nito ay umiiral ang mga panuntunan sa mga apektadong lugar ang mga guidelines sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine o ECQ kung saan ipinatutupad ang istriktong home quarantine sa lahat ng tahanan.

Limitado rin ang galaw ng mga residente sa pag-access ng kanilang pangangailangan at ipinagbabawal ang paglabas sa bahay ng mga edad 18 pababa at 65 pataas maging ang mga may karamadaman o buntis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *