1, 124 na kandidato maglaban-laban sa BSKE sa bayan ng Jose Panganiban

CAMARINES NORTE – Umaabot sa 1, 124 na mga kandidato ang maglalaban- laban sa iba’t ibang posisyon sa bayan ng Jose Panganiban ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Batay sa datos ng Commission on Elections, 75 ang tatakbo sa Punong Barangay position na karamihan ay mga kalalakihan na may 59 habang 16 lang ang kababaihan.

Umaabot naman sa 634 ang mga kandidato sa posisyon ng Barangay Kagawad kung saan 386 ay mga lalaki at 248 naman ay mga babae.

Sa Sangguniang Kabataan, 68 ang tatakbo sa SK Chairperson position habang 347 naman sa SK Kagawad position.

Kumpara sa ibang bayan, halos pareho ang bilang mga lalaki at babae na tatakbo sa SK Kagawad sa naturang bayan, isa lang ang lamang ng mga lalaki na may 174 habang 173 naman ang mga babae. Isa ang Jose Panganiban sa vote- rich municipalities sa Camarines Norte na mayroong 51, 092 na toral registered voters para sa SK at Barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *