1.29 milyon bakunado na VS COVID-19 sa Camarines Sur ; pag expired ng bakuna pinangangambahan

NAGA CITY- Umabot na sa 1, 291, 664  ang nabakunahan kontra sa COVID-19 sa Camarines Sur , pinakamataas ito sa Bicol Region pero 76.39% pa lamang ito ng target. 944, 474 naman ang fully vaccinated na , 66.31% pa lamang ng target base sa tala ng Department of Health Bicol. Hindi kasama sa bilang ang record ng independent city na Naga.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. John Paul Reazon, Municipal Health Officer ng Tinambac sinabi nitong karamihan sa mga nagpapabakuna ngayon ay hindi na proteksyon sa COVID-19 ang rason kundi kailangan sa pagbiyahe o kaya ay sa pag-aaral.

Sa ngayon 60.5% pa lamang ng target population ang vaccinated. Nahihirapan nang umabante ang MHO dahil ayaw na ng mga residente lalo na’t wala na silang kaso ng sakit.

 Pinangangambahan ng MHO ang pag-expired ng mga bakuna. Walang pang pinal na bilang ng doses si Reazon subalit marami aniya ang masasayang kung patuloy na aayaw ang mga mamamayan.

Kaya naman tuloy ang kanilang pagbabara-barangay. 

Umabot man sa mahigit 1.2 milyon ang bakunado na sa probinsya, marami paring bayang nasa Alert Level 2 pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *