1, 412 na indibidwal nabakunahan kontra COVID- 19 sa unang linggo ng Oktubre

CAMARINES NORTE- Nakapagbakuna ang mga Municipal Health Office sa lalawigan ng Camarines Norte ng aabot sa 1, 412 na indibidwal kontra COVID- 19 sa unang linggo nitong buwan ng Oktubre.

Batay ito sa tala ng Provincial COVID- 19 Vaccination Operation Center na inilabas linggo ng umaga, October 8.

Noong nakaraang Lunes, October 3 ay nakapagbakuna ng 195 indibidwal, 483 noong Martes, October 4 na siyang pinakamarami noong nakaraang linggo, 199 noong Miyerkules, 310 noong Huwebes at 225 noong Biyernes.

Ang bayan ng Mercedes ang nanguna sa talaan ng may pinakamaraming nabakunahan sa loob ng panahong nabanggit na mayroong 606.

Dahil ito sa pagtungo ng vaccination team hanggang sa pinakamamalayong barangay kung saan namigay rin ng kaunting insentibo ang LGU.

Nasa 351 naman ang nabakunahan sa bayan ng Daet, Labo 195, Capalonga 129, Paracale 41, Sta Elena 26, San Lorenzo Ruiz 24, Jose Panganiban 13, San Vicente 12, at Basud 11.

Ang bayan ng Talisay ay mayroon lang tatlong indibidwal na nabakunahan at isa lang sa Vinzons.

Karamihan sa mga nabakunahan ay booster dose habang mayroon din namang tumatanggap pa lang ng primary doses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *