1.5M pondo inilaan ng LGU-Castilla para sa selebrasyon ng Unod Festival

SORSOGON CITY – Tinatayang nasa P1.5M  pondo ang inilaan ng lokal na pamahalaan ng Castilla sa selebrasyon ng kanilang Unod Festival na nagsimula noong unang araw ng Oktubre at magtatagal hanggang sa October 7 ng kasalukuyang taon.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Benedicto Fernandez Jr. ang Municipal Tourism Officer ng LGU, sinabi nito na ang naturang pondo ay bahagyang nabawasan bago paman ang pagsisimula ng festival dahil sa iba’t ibang disbursement ngunit nadagdagan naman ito dahil sa tulong ng Provincial Government, 1st District Representative Office, mga Board Members at iba pang mga stakeholders, kung kaya’t tagumpay pa rin ang mga aktibidad na inorganisa ng kanilang opisina sa loob ng isang linggo.

Kabilang sa highlights ng festival ay ang konsyerto at mga patimpalak. Ang Unod Festival ay pagkilala sa mga produkto ng bayan ng Castilla gaya ng mga rootcrops, prutas, gulay, isda, karne at mga handicrafts kung saan mayaman ang bayan mula sa mga biyaya ng kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *