1.7 milyon na halaga ng pinsala sa livestock dahil sa bagyong maring, naitala sa Cagayan

Naitala sa probinsya ng Cagayan ang 1.7 milyon pesos na pinsala sa livestock o mga namatay at nalunod na alagang hayop dahil sa pananalasa ng bagyong Maring.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cagayan Provincial Information Office, ang naitalang inisyal na halaga ng pinsala ay mula sa 14 na bayan sa Cagayan.

Una rito ang 10 barangay sa bayan ng Alcala na mayroong 43 na mga kambing, pato at tupa na namatay at tinatayang nasa 106, 800 ang halaga.

Nasa 455 na mga manok at pato naman ang namatay at nasira ang kulungan sa Appari Cagayan kung saan umabot sa 112,000 ang halaga ng pinsala.

Kabilang din dito ang 11 na barangay sa Baggao na mayroong 506,500 na pinsala sa livestock, Buguey na may 87, 000 pesos na halaga ng pinsala matapos mamatay ang nasa 416 na alagang hayop ng mga residente.

Habang umabot naman sa 19,250 ang naitalang pinsala sa Camalaniugan, 78,800 sa Gattaran, 153,000 pesos sa Gonzaga, 45, 200 pesos sa Iguig, 33,000 pesos sa Lallo, higit 194, 000 sa Peñablanca, higit 280,000 sa Sta Teresita, 41,350 sa Sta. Ana, 63,000 sa Sto Niño at 70,500 pesos sa Tuao Cagayan.

Ayon pa sa CPIO, nilinaw ni Dr. Myka Ponce, ang Veterinarian II ng Provincial Veterinary Office (PVET) na mayroon pang mga bayan sa Cagayan ang hindi pa nakapagsumite ng report ukol sa pinsalang dulot ng Bagyong Maring kaya’t posibleng tumaas pa ang naturang mga datos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *