1.76 indibidwal apektado ng pagbaha sa China

Umabot sa 1.76 million na tao ang apektado ng matinding pagbaha sa northern Shanxi province sa China.

Ayon sa report, dahil sa patuloy na malakas na ulan, maraming bahay ang bumigay habang naitala ang ilang mga landslides

Pahirapan din ang malakas na ulan sa pagsasagawa ng rescue operations ng mga otoridad.

Dahil din sa pagbaha, isang bus ang nahulog sa ilog sa Hebei province kung saan tatlong tao ang nasawi habang 11 mula sa 51 na sakay nito ang nawawala.

Sa Shanxi, umabot sa 120,000 tao ang inilikas habang 17,000 na bahay ang nasira.

Patuloy namang kinukumpirma ng mga otoridad ang napabalitang apat na pulis na nasawi sa landslide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *