1 bayan sa SoCot, isinailalim sa state of calamity dahil sa pagbaha; 3 brgy., sinalanta ng buhawi

KORONADAL CITY — TATLONG bahay at ekta-etaryang pananim ang nasira sa pananalasa ng buhawi sa tatlong barangay sa bayan ng Banga, South Cotabato kahapon ng hapon.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Council o MDRRMC OIC Joseph Franco, gawa sa light materials ang mga bahay na sinira ng ipo-ipo matapos natumbahan ng mga puno ng kahoy.

Hindi rin nakaligtas sa pananalasa ng malakas na hangin na may kasamang malakas na buhos ng ulan ang mga ekta-ektaryang taniman ng mais at saging.

Kabilang sa mga barangay na apektado ng kalamidad ay ang Benetiz, Rizal Poblacion at Cabuling.

Kahapon, isinailalim sa state of calamity ang buong bayan ng Banga dahil sa sunod-sunod na kalamidad.

Una nang binaha ang nasabing bayan dahil sa epekto ng bagyong Dante kamakailan na sinundan ng mga malalakas na buhos ng ulan na naging dahilan ng mga pagbaha.

Dahil sa kalamidad, 11 barangay ang nag-deklara ng state of calamity dahilan upang isailalim sa nabanggit na deklarasyon ang buong bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *