1-Million halaga ng hinihinalang iligal na droga kumpiskado, tatlong suspek arestado

Kumpiskado ng mga kapulisan ng Olongapo City ang nasa isang milyong piso halaga ng hinihinalang shabu.

Ito ay matapos ang isinagawang operasyon kontra ipinagbabawal na droga kung saan arestado ang tatlong suspek na sina Jayvee De Jesus, Ramon Monzaga at Ronna Marie Dela Vega na mga residente mula sa iba’t ibang baranggay sa lungsod.

Nakumpiska ng pulisya ang pinaghihinalaang shabu na may halagang PHP1,020,000.00 sa isinagawang police operation sa Jones Street, Corner 6th Street kahapon ng madaling araw. 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ayon kay PLT. Dennis Gruspe, hepe ng City Drug Enforcement Unit, iniimbestigahan rin ang posibleng pinanggagalingan ng mga hinihinalang droga.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Olongapo City Police Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *