1 NPA patay sa engkwentro sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Muling nagkabakbakan ang mga miyembro ng hinihinalang rebeldeng grupo at mga militar sa Camarines Sur; isa sa mga Communist Terrorist Group (CTG) ang nasawi ayon sa ulat ng 9th Infantry Division Philippine Army.

Nangyari ito bandang alas 5:30 ng umaga nitong Biyernes , Hunyo 9, 2023 sa  Sitio Malobago, Barangay Antipolo, Iriga City, habang nagpapatrolya ang mga militar.

Umabot sa 10 minuto ang palitan ng putok at isa nga ang nasawi sa hanay ng mga rebelde.  Nakuha rin ang mga gamit pandigma.

Ayon kay DPAO Chief Major Frank Roldan,  malayo sa komunidd ang pinangyarihan, wala pang umaako sa bangkay.

Mababatid na nito lamang Hunyo 7, tatlong mga NPA ang nasugatan sa bakbakan sa Sipocot, ang mga ito at nirescue ng Phil. Army, sasailalim sa custodial debriefing kapag gumaling na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *