1 pasahero patay sa naaksidenteng bus sa Bgy. Langogan – PNP

Dead on the Spot ang isang pasahero sa naaksidenteng bus sa Kilometer 81 National Highway ng Brgy. Langogan, Puerto Princesa City.

Nangyari ang aksidente ganap na alas-sais medya kanina, ika – 31 ng Oktubre 2022.

Sa imbestigasyon ng PNP, ang bus ay minamaneho ni NOLY VALDESTAMON PADUGA, 44 habang sakay niya kagabi ang apat na pasahero.

Kinilala ng PNP ang mga pasahero na sina ARVIN ANTING FUENTES, isang foreman, 35 anyos, MARK JOSEPH DELA CRUZ, 28 anyos, LUENDA IBNO, 24 anyos at si MAY ANGELINE ANDRADE, 21 anyos.

Napag-alaman na patungo sa Lungsod ang sasakyan mula sa bayan ng Roxas at nang makarating sa lugar ay bigla umano itong nawalan ng kontrol at tuluyang nag-overshoot at bumangga sa bahay ng isang Mr. Edwin Cererra Abad.

Nadamay ang isang motorsiklo na nakaparada sa harap ng bahay ni Abad.

Samantala, sa lakas ng pagbangga ay agad namatay si ARVIN ANTING FUENTES habang ang tatlong pasahero ay isinugod sa San Rafael Satellite Clinic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *