1 patay, 1 sugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Rizal, Palawan

Patay ang isang 43 anyos na motorcycle rider sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa National Highway ng Brgy. Punta Baja, Rizal, Palawan bandang alas-nwebe kagabi,  February 22, 2023.

Ayon sa report ng Palawan Provincial PNP, ang nasawi ay si John Rey Garnado Reconalla ng Barangay Iraan, Rizal habang ang nakabanggaan nito ay si John Paul Felisarte Buenavista, 18 anyos.

Sa imbestigasyon ng PNP, parehong binabaybay ng dalawang motorista ang Highway ng Brgy. Puntabaja, Rizal at nang lumiko papauwi sa Sitio Malapandeg, Brgy. Punta Baja si John Paul ay doon nag-over take si John Rey dahilan ng kanilang banggaan.

Idineklarang Dead on arrival si John Rey sa Rizal District Hospital habang si JohnPaul ay dinala sa Brookes Point Hospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *