1, patay 2 sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa Puerto Princesa

Dead on the spot ang isang ginang matapos ang banggaan ng dalawang motorsiklo sa KM. 50 National Highway ng Brgy. Inagawan, Puerto Princesa City kahapon, ika-16 ng Enero 2023.

Kinilala ang nasawi na si Irmina Jamaldin Pagkaliwangan, 56 anyos residente ng Purok 8, Tagbarungis, Inagawan, PPC ,minaneho ang isang Suzuki FJ110.

Kinilala ang nakabanggan nito na sina Jerald Bona Narido, 29 anyos, residente ng Poblacion, Narra, Palawan, minaneho ang isang Yamaha Sniper 150 at inangkas nito ang isang Francisco Ambrocio Arol, 35 anyos.

Sa imbestigasyon ng Police Station 2, nagmula sa Sitio Tagbarungis, Inagawan at papunta sana sa Aborlan si Irmina ; habang nakasalubong nito sina Jerald.

Pagdating sa pinangyarihan ng aksidente, pumasok sa linya ni Irmina ang motorsiklo nina Jerald na mabilis ang patakbo habang nasa impluwensya umano ng alak, ayon sa PNP.

Agad namatay ang ginang matapos bumulagta habang nagtamo ng bali sa kanang binti at pinsala sa ulo ang isang drayber habang sugatan din ang kanyang angkas na kapwa dinala sa Aborlan Medicare Hospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *