1 patay, 4 sugatan sa stabbing incident sa Milan, Italy

Isa ang patay habang apat ang nasaktan sa nangyaring stabbing sa supermarket malapit sa Milan Italy.

Ayon sa report, namatay ang 30 anyos na kahera sa Carrefour supermarket matapos itong saksakin ng isang lalaki habang kabilang naman sa mga nasugatan ang football player na kinilalang si Pablo Mari.

Tiniyak naman ng mga otoridad na ligtas na sa matinding peligro ang football player na nasaksak sa likod pero hindi umano “life threatening”.

Napag-alamang nagsigawan ang mga tao sa loob ng supermarket nang magsimulang sumalakay ang suspect dahil sa matinding takot.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspect matapos maaresto ng mga pulis habang inalis ng mga otoridad ang anggulong terorismo sa krimen.

Sa inisyal na imbestigasyon, mayroong mental health problems ang suspect.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *