1 patay, dalawa sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa Puerto Princesa

Patay ang isang motorista habang sugatan ang dalawang iba pa matapos ang malakas na banggaan ng motorsiklo sa KM 54, South National Highway, Brgy. Napsan sa Puerto Princesa nitong Linggo ng hapon, ika- 19 ng Pebrero 2023.

Ang nasawing rider ay kinilala ng PNP na si Jomer Marcelo Dalita, 35 anyos na residente ng Purok Maambing, Brgy. Napsan habang ang nakabanggaan nito ay sina Mateo David Omapas Valdestamon, 29 anyos  na drayber ng Suzuki Raider 150 habang ang angkas nito ay si name Louie Omapas Valdestamon, 18 anyos ng Barangay Culandanum, Aborlan.

Sa ulat ng Police Station 2, binabaybay ni Mateo ang National Highway ng Napsan mula sa Aborlan patungo sa Puerto Princesa habang kasalubong nito ang motorsiklo ni Jomer.

Pagdating nila sa Kilometer 54 ay pumasok di umano si Jomer sa linya Mateo kaya sila’y nagbanggaan.

Nagresulta ang aksidente sa agarang pagkamatay ni Jomer dahil sa mga tinamong pinsala sa katawan habang ang iba pang sugatan ay dinala sa Napsan Clinic Hospital at doon nilapatan ng lunas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *