1 patay,4 sugatan sa pagsabog ng transformer sa construction  site sa Zamboanga City

Patay ang isang trabahante habang sugatan ang apat at 2 ang nasa kritical ang kondisyon matapos sumabog ang transformer habang kinokomponi sa bakanteng lote ng bagong pinapatayong ospital sa Brgy. Tetuan, Zamboanga City kahapon.

Sa nakalap ng impormasyon ng Brigada News  FM Zamboanga, ayon sa salaysay ng mga kapwa trabahante, dakong hapon ng pinagtutulungan iayos ng mga biktima ang 3 phase transformer ay bigla na lamang sumabog na agad na ikinasawi ng isang trabahador.

Nakita na lamang daw ng mga kasamahan nito na nakahandusay at duguan ang ilang biktima kasama ang apat na kinilala bilang sina Engr. Archie Hiya, 25-anyos residente ng Brgy. Talon Talon; Engr. Jose Enriquez Bartolome, 24-anyos  mula Brgy. Pasobolong, Santiago Conde 40; isang foreman na residente ng Brgy. San Roque, Samson Eteng Antohado 49-anyos, welder na mula pa sa Brgy. San Roque; at ang nasawing biktima na nakilala bilang Toto Rodrigo  na umanoy welder na nanunuluyan sa Brgy.  San Roque.

Ayon sa pahayag ng isa sa mga nakakita posibleng nag-overload ang transformer kaya ito sumabog.

Pinagaaralan din ng awtoridad kung ano ang posibleng dahilan ng nangyaring pagsabog ng transformer sa naturang construction site.

Hindi pa malinaw kung mayroong ipinangakong tulong pinansyal ang kompaniya pinagtatrabahuhan ng 5 mga biktima at hindi pa nakakapagdesisyon ang mga kaanak kung tatanggapin nila ang tulong o pormal na magsasampa ng reklamo laban sa naturang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *