1 seafarer na may India variant, naka-intubate, 3 naka-oxygen support

Kinumpirma ng Department of Health na ang isa sa mga crew members ng COVID-stricken MV Athens Bridge ay kasalukuyang naka-intubate, habang ang tatlong iba pang kapwa seafarers ay naka-oxygen support, matapos mahawa ng B.1.617 variant na unang nadiskubre sa India.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, gumaganda naman ang kanilang kondisyon.

Dagdag ni Vergeire, ang ibang crew members na nadiskubreng nahawa ng COVID-19 variant, ay minomonitor na.

Pero ayon sa Health Department, walang pang scientific basis para masabi na ang naturang variant ay maaring magdulot ng severe COVID-19 o mabilis na paghina sa kalusugan ng isang pasyente. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *