10.4 % na inflation sa Camarines Sur nitong Pebrero, mabigat umanong pasanin

NAGA CITY- Umabot sa 10.4% ang inflation rate sa Camarines Sur nitong Pebrero batay sa tala ng Philippine Statistics Authority; ito ang pinakamataas sa Bicol Region kung pagbabasehan ang tala ng PSA Bicol na iprenisinta kahapon.

Sa Summary Inflation Report ng PSA CamSur makikita na mas mataas pa ito noong Enero na 9.3%. Malaking contributor sa datus ang  mataas na bayarin sa bahay, gayundin sa tubig at kuryente maging produktong petrolyo.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Medith Baselonia, Grade 12 sa Accountancy Business and Marketing Student sa Naga City , sinabi nito na mabigat pasanin ito para sa kanila. Mahirap mag-tipid sa kuryente dahil kailangan sa pag-aaral.

Upang maibsan ang bigat sa gastusin tumutulong siya sa magulang sa pamamagitan ng pagtitinda ng leche flan sa centro ng Naga.  Mula sa P10.00 noong hindi pa gaano mabilis ang inflation, ngayon ang P15.00 na ang bawat piraso. Ramdam din niya na mabigat na rin ito para sa mga mamimili.

Samantala, bumaba ang purchasing power sa .78 , ibig sabihin ang halaga ng piso noong 2018 ay 78 centavos na noong Pebrero 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *