10 abaca stripping machines, ipinamahagi ng provincial gov’t ng So.Cot

KORONADAL CITY- SAMPUNG units ng abaca stripping machine ang ipinamahagi ng provincial government ng South Cotabato sa mga abaca farmers association sa lalawigan. Ito ay may kabuuang halaga na P 1.7 million.

Kabilang sa makikinabang dito ang mga magsasaka sa Brgy. Lamcade, Brgy. Ned, Brgy. Luhib at Brgy. Lamlahak sa bayan ng Lake Sebu; Brgy. Lambuling at Brgy. Datal Bob sa T’boli; Brgy. Assumpcion sa Koronadal City; at Brgy. Miasong sa Tupi.

Sa tulong ng naturang makinarya, mapapabilis at mapapadali ang pag-strip ng abaca ng mga farmers kumpara sa mano-mano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *