10-day quarantine para sa inbound travelers, magiging epektibo vs. COVID-19 variants- expert

Magiging epektibo umano sa paglaban sa pagkalat ng COVID-19 variants sa Pilipinas ang pagpaaptupad ng 10-day quarantine para sa mga incoming travelers sa Metro Manila at Cebu.

Ito ang sinabi ni OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco dahil sa pamamagitan umano ng polisiya, maiiwasan ang pagkalat sa bansa lalo na ng Delta variant o variant na unang na-detect sa India na 50 percent transmissible.

Ayon sa eksperto, batay sa siyensya, 99.7 percent na epektibo ang quarantine mula sa pagpasok ng variants sa bansa.

Kasabay nito, di sang-ayon si Austriaco sa mga panawagang paikliin ang quarantine period dahil di nito matitiyak ang kaligtasan mula sa mas maraming variants.

Sa halip umano na paikliin ang quarantine days, hiniling ng aksperto sa gobyerno na maghanap ng paraan para i-verify ang quarantine status.

Iminungkahi rin nyang payagan ang mga bakunado nang Pilipino na i-bypass ang testing at quarantine.

Mababatid na una nang hiniling ng dalawang senador sa pamahalaan na magpatupad ng adjustments sa health requirements para sa incoming travelers dahil mahal umano ang accommodation sa quarantine centers pati na ang swab testing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *