10 Isolation tents para sa Covid-19 patients natanggap ng LGU sa Ligao City

LEGAZPI CITY – Natanggap na ng City Government ng Ligao ang ibinigay na 10 tents na nagmula sa Dangerous Drugs Board sa Albay bilang pagtugon sa lungsod ng Covid-19 sa pamamagitan ng Anti-Drug Abuse Council.

Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News Fm Legazpi mula sa City LGU ng Ligao.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan, nagpapasalamat ang Alkalde Patricia Gonzales Alsua sa pagtulong ng Dangerous Drugs Board para sa karagdagang pasilidad ng mga covid 19 patients.

Aniya, malaking tulong na rin ito dahil sa mababawasan rin ang siksikan sa mga ospital kung saan ito rin umano ang gagamitin ng mga closed contact, mild o asymptomatic sa naturang sakit.

Tanging dadalhin na lamang sa mga ospital ay mga nakakaranas ng severe sa covid 19.

Sa ngayon ay mayroon ng 292 total confirmed cased covid 19, 14 rito active cases, 265 ang recoveries at 13 rito ay nasawi sa nasabing sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *