10 mangingisda sa Bajo de Masinloc naging benipisyaryo ng Bayanihan sa Karagatan ng PCG

MASINLOC- Nakatanggap ng food packs ang sampong mangingisda sa Bajo De Masinloc nakaraang Huwebes.

Ito ay sa pamamagitan ng Bayanihan sa Karagatan ng Philippine Coast Guard ng BRP Sindangan.

Ang food pack ay naglalaman ng bigas, delata at instant noodles na makakatulong para sa mga ito.

Kasabay ng pamamahagi ng pagkain ay inalam na rin ng PCG ang araw-araw na sitwasyon ng mga mangingisda at hinikayat na makipag-ugnayan sa hanay kapag kinailangan ng tulong.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Philippine Coast Guard

May be an image of food and text that says 'Poever Cells Ang Sakit! Tuldukan HERBAL CAPSULE "Eat your food as your medicine, otherwise you have to eat your medicine as your food."'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *