Sampung PBA players ang pinagmumulta dahil sa pagsali sa iba’t ibang laro sa labas ng liga nang walang pahintulot.
Si Jio Jalalon ng Magnolia ay inutusang magbayad ng multang P100,000 para sa kanyang second offense, ito ay bukod pa sa multa at suspensiyon na ginawa ng sarili niyang ballclub.

Samantalang si Beau Belga ng Rain or Shine’s at NLEX’s JR Quinahan, na parehong kasama ni Jalalon sa fight-marred game sa Cebu, ay inutusan ding magbayad ng tig-P50,000 at dagdag na tig-P20,000 dahil sa pagkakasangkot sa gulo.
Sina Nambatac, Jhonard Clarito (ROS), Vic Manuel (SMB), Allyn Bulanadi (SMB), Alec Stockton (Converge), Barkley Ebona (Converge) at Arwind Santos (NorthPort) ay pinagmulta ng tig-P50,000.
Pinatawan ng multa ni PBA commissioner Willie Marcial ang mga manlalaro matapos makipagpulong sa mga ito.//CA