CAMARINES NORTE – Pasado na sa isinagawang ‘Online Deliberation’ ng National Solid Waste Management Commission sa ilalim ng tanggapan ng ‘Office of the President’ at Department of Environment and Natural Resources ang sampung taong Solid Waste Management Program ng lokal na pamahalaan ng Capalonga.
Bahagi ng nabanggit na programa ay ang Waste Characterization and Assessment o pagkuha ng datos sa mga uri at dami ng basura na nabuo sa loob ng hurisdiksyon ng LGU, Source Segregation and Collection o pagawa ng mga estratehiya upang hikayatin ang mga residente na paghiwalayin ang kanilang basura sa pinagmumulan sa mga kategoryang nabubulok, hindi nabubulok, at mapanganib na basura.
Kasama rin dito ang pagbabawas at pagre-recycle ng basura, pag-compost at pamamahala ng organic na basura, at pagtatapon ng basura sa wastong paraan na nagpapaliit sa epekto sa kapaligiran. Kabilang dito ang mga Sanitary Landfill o waste-to-energy facility.
Ang planong nabanggit sa pagsasaayos ng mga basura ay matatapos sa taong 2031 kung saan layong magkaroon ng malinis, malusog, at ligtas na pamayanan.
