10 yo na batang babae, ginahasa at pinatay sa saksak sa North Cotabato

HUSTISYA ang isinisigaw ngayon ng pamilya ng 10 taong gulang na batang babae matapos itong matagpuang patay at umano’y ginahasa alas-9 ng umaga nitong nakalipas na araw sa Sitio Sabang Landing, Brgy. Guiling, Alamada, Cotabato.

Sinabi ni Alamada Chief of Police Major Bryan Espinosa, sinundan ng batang biktima ang kanyang ina na umalis upang kumuha ng pensyon ngunit sinundan at hinaranga siya ng suspek na si alyas doy saka dinala sa isang bakanteng lote at dito na hinalay at sinaksak ng suspek na umano ay bangag sa marijuana.

Tadtad ng saksak ang katawan ng batang bikima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

dagdag ng hepe, Natagpuan na lamang ng mga kapitbahay ang bangkay ng biktima sa gilid ng kalsada na wala ng buhay.

Agad namang tumakas ang suspek na si alyas Doy ngunit agad naman itong nahuli ng mga otoridad sa Probinsya ng Lanao Del sur kung saan ito nagtatago.

Ang suspek ay kapitbahay lamang ng biktima.

Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng suspek na ngayon ay nakakulong na sa custodial facility ng Alamada PNP. (LIEZLE BANGA | BNFM KIDAPAWAN)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *