100 classrooms ipatatayo sa So.Cot sa 2023

KORONADAL CITY- TARGET ng provincial government ng South Cotabato na makapagpatayo ng 100 na mga classrooms sa susunod na taon upang matugunan ang problema sa classroom shortage sa lalawigan.

Inihayag ni Governor Reynaldo Tamayo Jr na batay sa kanilang isinagawang inventory sa ibaโ€™t ibang mga paaralan, aabot pa sa 600 ang kakulangan sa mga classrooms sa South Cotabato.
Sa ngayon, Memorandum of Agreement o MOA na lamang ang kailangan upang masimulan na ang construction nito.

Napag-alaman na nakakuha ang gobernador P 100 million na pondo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR para sa naturang proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *